Nakapagtala ngayong araw ang India ng 24,248 bagong kaso ng coronavirus disease, dahilan upang pumalo na sa 697,413 ang kabuuang bilang ng deadly virus sa bansa.

Pinalitan ng nasabing bansa sa ikatlong pwesto ang Russia na may 680,000 total cases.

Nangunguna pa rin sa worldwide tally ang Estados Unidos na may 2.8 million cases habang pangalawa naman ang Brazil na may 1.6 million, batay sa datos ng John Hopking University.

Ngayong araw din isinailalim ang southern state ng Kerala sa isang linggong lockdown kung saan mahigpit na pinagbabawalan ang pagbubukas ng mga non-essential businesses at pampublikong transportasyon.