All set na ang bansang India sa pag-export ng walong milyong Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine sa buwan ng Oktubre.
Ayon kay Foreign secretary Harsh Vardhan Shringla, kasunod na rin ito ng pagtuldok na ng India sa exportation ng mga bakuna sa iba’t ibang bansa.
“This would be ready by the end of October. This is an immediate delivery, from the Quad into the Indo-Pacific region,” ani Shringla.
Una rito, nangako si Prime Minister Narendra Modi na muli nilang ipagpapatuloy ang pag-export ng ng bakuna.
Inihayag nito ni Modi sa pagpupulong ng mga leader sa tinatawag na Quad sa Washington.
Ngayong linggo lang nang suspendehin na ng India ang vaccine export ban dahil na rin umano sa pagbulusok ng COVID-19 infections at deaths.
Nakaranas noon ang naturang bansa ng ilang linggong vaccine shortages dahil sa naranasang coronavirus surge mula buwan ng Marso at Mayo.
Nasa 250,000 katao ang namatay sa naturang perod habang milyong katao naman ang infected.