-- Advertisements --

Inamin ng aktor na si Bugoy Cariño na noong una ay nagsisisi siya sa pagiging batang ama sa edad na 16, ngunit ngayo’y tinanggap na niya ang responsibilidad ng pagiging ama at ang pagpapahalaga sa kanyang pamilya.

Ibinahagi ni Cariño ang kanyang nararamdaman sa isang ambush interview sa promo ng kanyang paparating na pelikula.

Dagdag pa ng aktor, na itinuro sa kanya ng karanasan ang tunay na kahulugan ng pagiging mabuting ama at asawa dahil sa patuloy na pamumuna ng publiko kay EJ Laure.

Bagaman sanay na si Bugoy sa mga kritisismo na aniya bahagi na ng showbiz, aktibo niyang ginagabayan ang kanyang pagiging asawa sa pagharap sa mga bashers.

Dagdag pa niya, “Parang nasanay ako kasi show biz kaya ginuide ko wife ko… lagi kong paalala sa kanya, wag mo papansinin.