-- Advertisements --

Naglagay ang India ng tatlong warship sa Arabian Sea matapos na tamaan ng drone mula sa Iran ang merchant vessels nila.

Ang MV Chem Pluto ay inatake habang ito ay nasa 370 kilometers ng karagatan ng Gujarat state.

Nagresulta sa sunog ang nasabing atake na agad namang naapula ng mga crew at walang anumang nasawi rin sa kanila.

Kinabibilangan ng 21 Indian at Vietnamese citizen ang nasabing barko.

Ang MV Chem Pluto ay isang Liberia-flagged, Japanese-owned at Netherlands operated chemical tanker.