-- Advertisements --
Kinumpirma ng India na pag-aari nila ang bagay na naianod sa dalampasigan ng Western Australia.
Ang natagpuan kasi na isang giant metal dome ay bahagi umano ng isa nilang rockets.
Ayon kay Sudhir Kumar, ang tagapagsalita ng Indian space agency na bahagi ng kanilang Polar Satellite Launch Vehicle (PSLV) ang nasabing natagpuang bagay.
Magugunitang inanod sa dalampasigan ng Green Head beach noong Hulyo ang nasabing giant metal Dome kung saan blanko ang mga otoridad sa Australia kung para saan ito.