-- Advertisements --

VIGAN CITY – Tampulan ng samu’t saring reaksyon sa Ilocos Sur partikular na sa bayan ng Sta. Maria, ang suhestyon ng isang incumbent councilor na ipangalan sa kaniya at sa iba pang miyembro ng konseho ang ilang kalsada sa Sta. Maria public market.

Nangyari umano ito noong nakaraang regular session ng konseho kung saan mayroong isang ipinapanukalang ordinansa na maipangalan sa mga kahoy ang ilang kalsada sa Sta. Maria public market para sa mas maayos na pamamahala sa trapiko at pagpapatupad ng traffic ordinance sa nasabing bayan.

Ang panukala ay itinutulak ni Sangguniang Bayan Member Rico Calibuso ngunit kinontra ito ni Sangguniang Bayan Member Kristine Gapusan, at sinabi nitong mas maganda na ipangalan na lamang sa kanilang mga incumbet officials ang mga kalsada.

Kaagad din naman daw kinontra ng ibang miyembro ng konseho ang hirit ni Gapusan at sinabing hindi sila payag na maipangalan sa kanila ang mga kalsada sa palengke dahil labag ito sa batas.

Ngunit, iginiit muli ng konsehala na mayroon itong legal basis na maaaring ipangalan sa mga incumbent officials ang ilang kalsadan na sakop ng isang local government unit.

Nang magbotohan naman ang mga ito, nanalo ang panukala ng konsehala ngunit naiba rin ito at muling napag-usapan na ipangalan na lamang sa mga dating opisyal ng local government unit ang mga kalsada sa palengke ng bayan.