-- Advertisements --

Pinaniniwalaang nasa Portugal si dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co.

Ito ang inihayag ni DILG Secretary Jonvic Remulla sa gitna ng nagpapatuloy na paghahanap at imbestigasyon kaugnay sa kaso ni Co.

Dahil dito nanawagan si Remulla sa mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng mundo na agad kunan ng litrato at i-post online sakaling makita ang dating kongresista.

Ayon sa kalihim, makatutulong ang publiko sa mabilis na pagkalap ng impormasyon sa kinaroroonan ni Co.

Walang extradition treaty ang Pilipinas sa Portugal subalit gumagawa na ng paraan ang dept of foreign affairs para  mapabilis ang repatriation o pagpapabalik kay co sa pilipinas. 

Inihayag din ni Remula na whole of government approach ang ginagaawa ng pamahalaan para maaresto ang puganteng mambabatas.

Siniguro naman ni Remulla na sa darating na mga araw mahuhuli na rin ang mga tinaguriang big fish sa flood control anomaly.