DAVAO CITY – Nangako si incoming Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na walang Dabawenyong magugutom sa ilalim ng kanyang termino.
Ito ay sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa ngayong panahon.
Dagdag pa ng incoming mayor, ipagpapatuloy ng administrasyon nito ang pagsisikap kung saan hindi lamang ang governance style ni Vice President-elect Sara Duterte ang ipagpapatuloy nito ngunit gusto din nitong lampasan pa ang mga nagawang tagumpay ng kanyang kapatid.
Naniniwala si Baste na magpapatuloy ang pag-unlad ng siyudad sa oras na makamit ang mga pangunahing pangangailangan ng mga residente at masiguro ang food security sa lungsod.
Sa kabilang banda, muling ipinahayag ni Baste na ang kanyang liderato ay magiging kakaiba mula sa istilo ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte at sa kanyang kapatid na si VP Sara Duterte.