-- Advertisements --

Nanindigan si incoming Bureau of Internal Revenue (BIR) commissioner Lilia Guillermo na ipaubaya niya sa korte ang desisyon at aksyon sa isyu may kaugnayan ng hindi pa nababayarang estate tax ng pamilya Marcos.

Sinabi rin ni Guillermo, na kasalukuyang Assistant Governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), na hindi pa niya nababasa nang detalyado ang kaso.

Nauna nang nagdesisyon ang Supreme Court (SC) na magbayad ang pamilya Marcos ng P23 bilyong estate tax.

Sa interes sa loob ng ilang dekada, ang halaga ay inaasahang nasa humigit-kumulang P203 bilyon sa ngayon.

Nang tanungin kung siya ang mangunguna sa pagkolekta ng buwis sa ari-arian ng mga Marcos, muli niyang sinabi na hindi siya makapagkomento.

Kung maalala, ang desisyon ng Korte Suprema sa Marcos estate tax liability ay “final and executory” na, ayon sa isang dokumento mula sa tribunal, taliwas sa sinasabi ng kanyang pamilya Marcos na ang kaso ay inililitis pa rin.

Top