Mahigpit na ring tinututukan ng Philippine Competition Commission (PCC) ang incentive scheme ng transport network company na Grab Philippines.
Sa isang panayam ipinaliwanag ni PCC commissioner Johannes Bernabe, posibleng ginagamit ng kompanya ang naturang serbisyo para mapigilan ang kanilang mga driver na sumubok na magtrabaho sa mga kalabang rider-hailing app.
Sa ngayon kasi, malaking porysento pa rin ng mga pasahero ang tumatangkilik sa Grab kahit nagsulputan na ang mga competitor nito.
Kung maaalala, pinagmulta ng P5-milyon ng PCC ang Grab noong Nobyembre matapos umanong lumabag sa kanilang mga ipiangakong pagbabago sa komisyon.
Nitong buwan nang singilan ang kompanya ng P14-milyong multa dahil naman sa usapin ng mahal na presyo ng kanilang pamasahe.
Simula December 31, magdi-distribute ng refund ang Grab sa mga pasahero nito alisunod sa utos ng PCC.