-- Advertisements --

Inilabas na noong Huwebes ng umaga ang nominasyon para sa 2026 Oscars kung saan nagpagulat sa mga fans pati na sa Hollywood.

Bagama’t may ilang paboritong pelikula at artista na nakapasok, marami rin ang hindi inaasahang hindi napasama.

Kabilang na riyan sina Ariana Grande, Paul Mescal, at Guillermo del Toro. Samantala, ilang beterano tulad nina Delroy Lindo at Kate Hudson ay nakatanggap ng matagal nang hinihintay na pagkilala.

SNUB NOMINATION

  • Ariana Grande at Wicked: For Good

Kahit na nagwagi ng 10 nominasyon ang orihinal na Wicked noong nakaraang taon, ang sequel nito ay walang nakuha. Hindi nakapasok si Ariana sa Supporting Actress category para sa kanyang karakter na si Glenda.

Naiwan rin si Cynthia Erivo sa Best Actress, at hindi rin napabilang ang pelikula sa song at craft categories.

  • Paul Mescal, Hamnet

Matapos ang papuri sa Aftersun noong 2023, hindi nakapasok si Mescal para sa kanyang portrayal bilang si William Shakespeare.

  • Guillermo del Toro, Frankenstein

Ikinagulat rin ng fans na makakapasok si Guillermo sa Best Director para sa matagal niyang proyekto, ngunit sa halip, si Joachim Trier (Sentimental Value) ang nakapasok.

  • Chase Infiniti, One Battle After Another

Bagamat kapuri-puri ang debut performance ni Infiniti bilang si Willa, hindi siya nakapasok sa nominasyon. Pumalit dito ang pagkilala kay Kate Hudson para sa Song Sung Blue.

  • Amanda Seyfried, The Testament of Ann Lee

Hindi rin nakapasok si Seyfried sa Best Actress category kahit mahusay ang kanyang pagganap bilang founder ng Shakers na si Ann Lee.

  • Jafar Panahi, It Was Just an Accident

Ang Iranian filmmaker na nag-shoot ng pelikula sa ilalim ng matinding panganib ay hindi rin nakapasok sa Best Picture at Best Director, kahit nakatanggap siya ng nominasyon sa Original Screenplay at International Feature.

  • Demon Slayer: Kimetsu no Yaiba Infinity Castle

Sa kabila ng pag-generate ng $722 million na kita sa buong mundo, hindi napabilang ang sikat na anime blockbuster sa animation category, habang nakapasok ang Elio.

  • Jesse Plemons, Bugonia

Hindi rin nakapasok si Plemons sa Best Actor category para sa kanyang matinding pagganap bilang isang conspiracy theorist. Pumalit dito si Ethan Hawke para sa Blue Moon.

SURPISE NOMINATION

  • Delroy Lindo, Sinners

Nakapasok si Lindo sa kanyang unang nominasyon sa Oscars para sa portrayal niya bilang blues legend na si Delta Slim.

  • Kate Hudson, Song Sung Blue

Pagbabalik ni Hudson sa Oscars 25 taon matapos ang kanyang unang nominasyon para sa Almost Famous. Nakapasok siya sa Best Actress category para sa kanyang papel sa Neil Diamond tribute act.

  • Amy Madigan, Weapons

Ang nominasyon ni Madigan sa Supporting Actress ay nagpapakita ng pagsisikap ng Academy na kilalanin ang mga genre films.

  • Best Picture Surprise – F1

Nakapasok sa Best Picture ang Apple Formula One film na F1, na hindi gaanong inaasahan sa awards buzz.