Inaalam na ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung may Pilipinong nasaktan sa isang pagsabog sa France nitong araw.

Ayon kay Philippine Ambassador to France Ma. Therese Lazaro, patuloy ang kanilang ginagawang beripikasyon yung may kababayang nadamay sa insidenteng naitala sa siyudad ng Lyon.

Sa ngayon ay nakipag-ugnayan na raw sa French authorities ang mga opisyal.

Batay sa inisyal na ulat, nangyari ang pagsabog sa kanto ng Rue Victor Hugo at Rue Sala na nasa sentro ng nabanggi na siyudad.