TACLOBAN CITY – Kaagad nasawi ang isang babae matapos tamaan ng kidlat habang nagwawalis sa kanilang bakuran sa Barangay Canlampay, Carigara, Leyte.

Kinilala ang biktima na si Alberta Anagat, 55-anyos na residente ng nasabing barangay.

Ayon kay Pol. S/Sgt. Federico Caduca Jr., duty investigator ng Carigara Municipal Police Station, naglilinis ng kanilang bakuran ang biktima nang bigla itong tamaan ng kidlat sa ulo.

Dagdag pa nito na base sa salaysay ng kamag-anak ng biktima, unang tumama ang kidlat sa kanilang bahay kaya napinsala ang ilang appliances nito.

Wala namang iba pang nasugatan o namatay sa insidente.