-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Buo ang loob ng ina ni Marcelito Pomoy na masusungkit nito ang pagiging kampeon sa America’s Got Talent (AGT): The Champions Finals.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Anecita Pomoy na malaki ang tiwala niya sa talento ng kanyang anak sa pagkanta simula pa noong sumali ito sa Pilipinas Got Talent.

Si Ginang Pomoy ay residente sa Purok 8, Barangay Ong Yiu sa Lungsod ng Butuan.

Ibinunyag din nito na kanyang ikinagulat ang pagsali ni Marcelito sa AGT dahil hindi ito sinabi sa kanya hanggang sa makita na lamang niya ito sa telebisyon.

Sa ngayo’y kanyang panalangin na sana’y makamit ng kanyang 33-anyos na anak ang halos abot-kamay ng tagumpay.

Kasabay nito ang pananawagan sa lahat ng mga kababayang Pinoy na isama sa kanilang panalangin ang magiging performance ng kanyang anak sa final showdown laban sa mga co-finalists.

Saysay pa ni Anecita, sa kanyang nakahiwalayang asawa lumaki si Marcelito sa Barangay Mangagoy, Bislig City sa Surigao del Sur kasama ang tatlo pa nitong kapatid.

Pero kinalaunan ay pinapa-adopt din kaya dumayo na sa Maynila para mabuhay ang mga anak.

Muli umano silang nagkita ni Marcelito nang ito’y 29-anyos na nang magsadya ito sa isa pa niyang anak sa Cavite kung saan ito kinumbinsi na sumali sa audition ng Pilipinas Got Talent na siyang nagdala sa kanya sa international stage