-- Advertisements --

Natuklasan ng mga awtoridad ang mga bombang hinihinalang mula pa noong World War II sa loob ng taxiway area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ayon sa PNP, natagpuan ang mga naturang bomba noong Abril 26 matapos makatanggap ng ulat na may nahukay na posibleng ‘explosives’ sa lugar.

Sa paunang operasyon, anim na 50-pound general-purpose bombs ang narekober ng Aviation Security Group (Avsecu) Explosives Ordnance Disposal at K9 Unit.

Sa mas malawak pang clearing operation, nadagdagan ito ng apat pang 50-pound bombs at 18 na 25-pound bombs.

Nilinaw ng mga awtoridad na ang lahat ng narekober na materyales ay inert na o wala nang aktibong explosive capability, kaya hindi na ito nagdudulot ng panganib.

Dinala ang mga nasabing bagay sa Avsecu Headquarters para sa dokumentasyon at maayos na pag-dispose.

Patuloy namang nagpapaalala ang mga awtoridad na maging maingat sa mga paghuhukay sa mga lugar na posibleng may lumang ordnance.