Kinumpirma ng pamilya ni Lilia Dizon na sumakabilang-buhay na ang dating aktres at ina ni Christopher de Leon.

Sa Facebook post ni Toni Abad, alas-8:20 kaninang umaga nang pumanaw ang ina sa edad na 90 dahil sa cancer.

“The angels are rejoicing! Mom is now worshiping our Lord Jesus Christ not by faith, but by sight. She is now with our father God in heaven. No more pain, no more tears, no more suffering, She left us at exactly 8:20 this morning. I’m posting this with much sorrow because I will miss her. I love you Mom! Rest In Peace in the hands of our creator,” saad nito.

Kung maaalala, ilang araw pa lamang ang nakalipas mula nang pumanaw naman ang veteran icon na si Anita Linda sa edad na 95.

Si Lilia o Claire Strauss sa tunay na buhay, ang ina ng magkakapatid na Pinky, Christopher, Melissa, Corazon at Toni.

Taong 1946 nang sumibol ang acting career ni Lilia nang ipakilala siya sa pelikulang “Probinsyana” na pinagbidahan nina Carmen Rosales at Jose Padilla Jr.

Kabilang pa sa tinatayang 50 pelikula ng ina ni Boyet ay ang “Bathaluman,” “Kandelerong Pilak,” “Tinimbang Ka Ngunit Kulang” at iba pa.