BACOLOD CITY – Malakas ang kutob ng ina ng Negrense Binibining Pilipinas 2019 candidate na si Vickie Marie Rushton na makakakuha ng korona ngayong taon ang kanyang anak.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Bacolod sa ina ng beauty queen na si Theresa Rushton sa kanilang bahay sa lungsod ng Talisay, Negros Occidental, sinabi nito na “destiny” ang pagkuha ng korona sa pageant at malaki ang kanyang paniniwala na isa mga ito ay makukuha ng kanyang anak.

Ngunit sa kabila ng kanyang malaking paghangad para sa anak, palaging ipinapaalala ni Ginang Rushton kay Vickie na ang pageant ay “50-50” o 50 percent expectation at 50 percent frustration.

Ito ang kanyang palaging paalala sa anak para hindi ito ma-frustrate kapag hindi umayon sa kanya ang kapalaran.

Buo ang suporta ng pamilya sa journey ni Vickie sa Binibining Pilipinas at alas-7:00 kagabi ay lumipad na ang kanyang ina at mga kamag-anak patungong Manila upang saksihan ang coronation night sa Linggo.

Si Vickie Marie Milagrosa Sausa Rushton o si “Vim” para sa kanyang pamilya ay naging first runner-up nakaraang taon at kinoronahan din itong Lin-ay sang Negros at Mutya ng Pilipinas noong 2011.

Siya rin ang girlfriend ng actor na si Jason Abalos.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here