-- Advertisements --

Sa gitna ng mga espekulasyon tungkol sa relasyon ni Senator Francis Escudero at ng kanyang asawang si Heart Evangelista, sinabi ng ina ng aktres na si Cecilia Ongpauco na naniniwala siyang malalampasan ng mag-asawa ang anumang pinagdadaanan nilang pagsubok.

Ayon pa sa ina ng aktres, private life ito ng mag-asawa at tanging pagdarasal lamang ang kaniyang magagawa.

Tiwala naman siya na magiging “OK” ang dalawa lalo pa’t kilala niya si Chiz na isang “mature at grounded person” dahilan kaya masaya siya para sa kaniyang anak.

Gayunpaman, nilinaw ng ina ng aktres na wala siyang kaalaman sa mga isyung bumabalot sa kasalukuyang relasyon ng mag-asawa.

Aniya, “hindi siya nakikipag-usap sa sinuman”.

Magugunitang, kamakailan din ay nagbahagi si Evangelista ng isang vlog kung saan inamin niyang may pinagdadaanan siyang mahirap na patch sa kanyang buhay.

Kung maalala, ikinasal ang mag-asawa noong February 2015 matapos ang isang ibinabalitang tunggalian at sa wakas ay pagkakasundo sa pagitan ng mga magulang ni Escudero at Evangelista.