Bumaba ang importasyon ng mga farm goods sa bansa, mula sa datus nitong nakalipas na taon.
Batay sa record ng Philippine Statistcis Authority, naitala ang 3.3% na pagbaba ng mga Agri products mula $4.5Billion noong nakalipas na taon patungong $4.36Billion.
Labis na bumaba rin ang pag-export ng mga Agri products ng hanggang 20.8% sa unang kalahati ng taon.
Batay kasi sa datus ng PSA, nasa $1.55Billion lamang ang naitala sa unang bahagi ng taon, kumpara sa $1.95Billion noong nakalipas.
Ang mga farm goods, batay sa PSA, ay ang pinakamalaking import strength ng Pilipinas, hawak ang 75% sa kabuuang importation ng bansa.
Kung susumahin, ayon sa ahensiya, ang export at import ng bansa sa unang bahagi ng taon ay bumaba ng 8.6% o katumbas ng $5.9billion, kumpara sa $6.46Billion noong nakalipas na taon.
Samantala, pinakamalaki naman sa mga agri products na ine-export ng Pilipinas ay mga prutas, nuts, citrus fruits, at melon, na umabot sa $439.5Million. Pasok din sa may mataas na export ng bansa ang mga tobacco products, isda, at hipon.
para sa import naman, pinakamarami dito ay ang cereal, karne, dairy, at iba pa.