Todo batikos pa rin ang mga taga-oposisyon kaugnay ng tila paggamit ng pamahalaan sa kanilang hanay para ilihis umano ang publiko mula sa mga issue ng bansa.
Pinuna ni Sen. Leila De Lima ang pinapalutang na impeachment case ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) commissioner Manuelito Luna na tila papogi lang sa pangulo.
Malinaw daw kasi na diversionary tactic ito ng gobyerno para sa mga issue na tinatalikuran daw ng pangulo.
“Nakahanap na naman ang administrasyon ng isa pang mouthpiece para pagtakpan ang patong-patong na kasalanan nila sa bayan.”
“Calling for the impeachment of the Vice President is also a diversion from the real accountability that President Duterte has to answer.”
Hindi umano patas, ani De Lima, ang paggamit ni Duterte sa pahayag ni Vice Pres. Leni Robredo kamakailan kaugnay ng rule of law sa war on drugs campaign.
Kung maaalala, sinang-ayunan ng bise presidente ang resolusyon ng Iceland sa United Nations na nagpapa-imbestiga sa human rights situation ng bansa.
“Because the world has spoken once more, the Duterte regime is once again scrambling for a scapegoat for its lack of commitment to uphold human rights. VP Leni is on the receiving end of this dirty trick.”
Nitong linggo naman nang kasuhan si Robredo ng patung-patong na reklamo kaugnay ng Ang Totoong Narcolist video ng nagpakilalang si alyas Bikoy.