Itinuturing ng persons under monitoring ng Bureau of Quarantine ang 26 na South Korean nationals na dumating kagabi sa Mactan Cebu International Airport.

Ayon kay Dr. Terence Anthony Bermejo, ang hepe ng BOQ-Central Visayas, kinakalap na nila ang health declaration forms ng nasabing mga dayuhan na lulan ng isang direct flight mula Daegu City.

Ito yung siyudad na sinasabing pinagmulan ng outbreak ng COVID-19 sa South Korea.

Nakapasok ng bansa ang mga Korean nationals dahil naka-hold pa ang implementation ng travel ban.

Sinabi ni Immigration spokesperson Dana Sandoval sa isang pahayag na may mga pina-plantsa pang logistical issues ang ahenysa sa pagpapatupad ng ban.