-- Advertisements --
image 411

Pinaiimbestigahan na ni bureau of immigration commissioner norman tansingco kung ano ang sadya ng isang immigration officer na nakitang nasa tarmac ng naia nitong  february 13, kahit pa hindi ito na- assigned sa isang chartered flight noon, dahil  naka off duty ito.
Sinabi ni bureau of immigration spokesperson dana sandoval na posibleng maharap sa administrative sanction ang kanilang immigration officer kapag hindi nito nagawang ipaliwanag ang kaniyang presensiya sa araw na iyon. 
Sa kabila nito, iginiit ni sandoval na hindi naman nakaapekto ang presensiya ng  immigration officer sa ginawang pag proseso sa mga dokumento ng 10 mga sakay ng nasabing special flight. 
Nanindigan si sandoval na sa panig ng immigration,  wala silang nakitang discrepancy sa ginawang pag proseso sa mga pasahero at crew ng special flight, walang derogatory record sa kanilang mga papel  at walang nakitang kahina hinala sa mga ito.
Paliwanag pa ni sandoval,  ang pangunahing isyung kinu kwestyon dito ay ang hindi umano nabigyan ng clearance to depart ang eroplano.
Gayunpaman paglilinaw ni sandoval, hindi na kasi saklaw ng hurisdiksyon nila ang usaping ito kundi ng iba pang ahensiya ng gobyerno na nagsasagawa ng pag inspeksyon sa mga eroplano. 
Sa panig aniya ng immigration ay ang pag proseso lamang sa mga dokumento ng sakay ng eroplano ang kanilang mandato na nagawa naman aniya ng kanilang immigration officer.