-- Advertisements --

Kung si Sen. Imee Marcos daw ang tatanungin, wala talagang maitituturing na pambansang bayani ang Pilipinas.

Ito ang tugon ng senadora kasabay ng paggunita sa National Heroes Day ngayong araw.

“Little do most Filipinos know that ever since the Philippines gained independence, the government has never officially proclaimed who our national heroes really are, even if it has been taught as early as grade school that the likes of Jose Rizal and Andres Bonifacio are among them.”

Ayon kay Marcos, bigong makapag-proklama ng mga pambansang bayani ang Philippine National Heroes’ Committee noong 1995 dahil sa interes na hindi na-resolba sa pagitan ng iba’t-ibang rehiyon.

Kabilang umano sa mga nasali sa nominasyon sina Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Apolinario Mabini, Marcelo H. del Pilar, Sultan Dipatuan Kudarat at iba pa.

“However, the issue deteriorated into a debate involving regional interests that never was resolved.”

Ani Marcos nakabinbin pa rin sa Kamara ang panukalang batas na humihiling para kilalanin si Rizal bilang pambansang bayani ng Pilipinas.

Para sa senadora, maituturing na “implied heroes” ang kinagisnang bayani ng mga Pilipino dahil wala naman daw opisyal na kasulatan na nagdeklara sa mga ito.

“What we only have are implied heroes, despite having official dates for their commemoration.”