Sinisilip na raw ng Bureau of Immigration (BI) ang travel history ng dating Wirecard chief operationg officer (COO) na si Jan Marsalek na posibleng nasa Pilipinas pa.
Ayon kay BI acting Spokesperson Melvin Mabulac, inatasan na raw ng Immigration si intelligence chief Fortunato Manahan Jr na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay ng travel history ng subject.
Agad daw nilang isusumite kay BI Commissioner Jaime Morenta ang resulta ng kanilang imbestigasyon pagkatapos ng 48 oras o sa Biyernes.
Samantala, sa pagkakaalam naman daw ni Mabulac, nakapasok sa bansa ni Marsalek noong Marso lalo na sa mga panahong wala pa namang travel restrictions.
Kahapon nang ipag-utos ni Justice Sec. Menardo Guevarra sa BI at National Bureau of Investigation (NBI) na pumasok na rin sa imbestigasyon sa mga indibidwal na sangkot sa Wirecard scandal na sinasabing nagresulta sa pagkawala ng 1.9 billion Euros o katumbas ng $2.1 billion o mahigit P1.7 trillion.
















