-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na rumolyo na ang imbestigasyon sa insidente ng pagkamatay ng isang PNP doctor makatapos makalanghap ng toxic disinfectant.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, natanggap na nila ang incident report sa nangyari at agad na inakyat sa otoridad.

“Ngayon maguumpisa ang imbestigasyon so I cannot provide any details of this case because it is already under investigation.”

Binigyang diin ni Vergeire na noong Abril pa lang ay naglabas na sila ng guidelines sa tamang pagdi-disinfect ng mga tao at lugar.

“Although in health care setting, especially in hospitals it is really a common practice. Sa mga ospital na bago mag-doff, bago tanggalin ang PPE, dini-decontaminate talaga ang ating mga health care workers.”

-- Advertisement --

“Its really a process, baka sa implementasyon tayo nagkaka-issue ng ganito.”

Wala naman daw kasing matibay na ebidensya ang siyensya na nagsasabing epektibo itong makapatay ng virus ng COVID-19.

Mismong World Health Organization na rin ang nagsabi na hindi inirerekomenda ang ganitong aktibidad.

“We have reminded everybody na ito talagang misting and spraying is not really recommended for direct spraying sa tao.”

Umapela ng tulong sa DOH ang Philippine National Police para sa imbestigasyon ng pagkamatay ni Capt. Casey Gutierrez na isa ring doktor.

Bukod kay Gutierrez, may dalawang pulis din na nakalanghap ng sinasabing toxic disinfectant na nakaligtas sa insidente.