-- Advertisements --

Pinaiimbestigahan ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga sa Kamara ang water concession agreements ng Maynilad at Manila Water sa pamahalaan.

Inihain ni Barzaga ang House Resolution No. 572 kasunod banta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga distributors na ito na kasuhan ng economic sabotage dahil sa pamimera ng mga ito sa publiko.

Sa naturang resolusyon, hiniling din ni Barzaga na maimbestigahan ang utos ng Singapore-based Permanent Court of Arbitration sa pamahalaan na magbayad ng P3.4 billin sa Maynilad at P7.4 billion naman sa Manila Water bilang compensation sa lugi ng mga water concessionaires na ito matapos ‘di payagan na taasan ang kanilang rate.

Naniniwala si Bagong Henerasyon Bernadette Herrera-DY na bigo ang dalawang water distributors na gampanan ang ilan sa mga terms sa kasunduan.

Samantala, nanawagan naman si ACT Teachers party-list Rep. France Castro para sa nationalization ng water distribution system sa halip na ibigay ito sa isang pribadong kompanya.

Sinabi ng Maynilad nitong araw na bukas silang pag-usapan ang concession agreement sa gobyyerno.

Ang Manila Water naman ay iginiit na “more than willing” silang makabuo ng “workable solution” sa pamahalaan.