pacc
-- Advertisements --

Tinawagan ng pansin ng isang konsehal ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na huwag tantanan at bilisan ang pag-iimbestiga sa mag-asawang Tan dahil sa pagkakasangkot umano sa katiwalian.

Naniniwala si Quezon Province Councilor Arkie Yulde na sapat ang mga ebidensyang magdidiin umano kay DPWH Regional Director Ronnel Tan sa graft and corruption.

Si Tan ay inireklamo ni Yulde sa Office of the Ombudsman dahil umano sa garapal na pagpapaagaw ng pera na nagkakahalaga ng P2-3 milyon sa isang party.

Naghain din si Yulde ng subpoena sa PACC upang pa-imbestigahan ang kumakalat na video na umano’y naghagis ng pera si Tan sa isang party.

“This evidence clearly proves ostentatious display of wealth of the respondent,” nakasaad sa subpoena.

-- Advertisement --

Nahaharap si Tan sa patung-patong na reklamo na kinabibilangan ng grave misconduct, paglabag sa RA 6713 o Code of Conduct & Ethical Standards of Public Officials and Employees, RA 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act, RA 7160 o ang Local Government Code na isinampa ni Yulde noong Oktubre, 2020.

Ang maybahay naman nitong si Quezon District 4 Congresswoman Helen Tan ay kabilang sa mga pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot umano sa mga katiwalian.

Ang pangalan ni Tan ay kabilang sa listahang ipinasa ng PACC sa Malakanyang kaugnay ng imbestigasyon nito laban sa mga nakikipagsabwatan umano sa mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na dawit sa maanomalyang mga proyekto.

Bunga nito, hiniling din ni Yulde na isailalim sa lifestyle check ang mga Tan.