Bumagsak ang imbentaryong stock ng bigas sa bansa sa 7.5% mula noong buwan ng Pebrero hanggang Marso ng kasalukuyang taon base sa data ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa inilabas na inventory report ng ahensiya, ang imbentaryong bigas sa simula ng Marso ay nasa 1.41 million metrikong tonelada, ito ay 13.7% na pagbaba sa year-on-year rice inventory.
Iniulat din ng PSA na bumaba sa -7.5% ang month-on-month reduction sa household sector, sa commercial sector naman ay nasa -8.7% at sa NFA depositories ay bumagsak sa -1.6%.
Bumaba din sa 62% o 811.52 MT ang bigas na nakalaan para sa households na binubuo ng 57.6% ng kabuuang imbentaryo.
Ang nakalaang bigas naman para sa commercial warehouses ay bumaba sa 19.2% habang ang stock naman ng National Food Authority (NFA) depositories ay bumaba sa 33.9%.