-- Advertisements --
image 363

Bumaba ang imbentaryo ng bigas sa Pilipinas nitong buwan ng Abril.

Batay sa opisyal na datus ng pamahalaan, umabot lamang sa 1.84-milyong metriko tonelada ang stock ng bigas sa bansa nasa nasabing buwan.

Malayong mas mababa ito kumpara sa 2.51-milyong metriko toneladang imbentaryo noong Abril ng 2022.

Ito ay katumbas ng isang taong pagbaba na 26.5%.

Sa lahat ng sektor na nakatutok sa pagsupply ng bigas, naitala ang kabuuang pagbaba kumpara noong 2022.

Sa commercial sector, umabot ang pagbaba ng hanggang 26.9%, 26% sa household sector, habang 27.1% na pagbaba sa mga bodega ng National Food Authority.

55% sa kabuuang imbentaryo noong buwan ng Abril ay binubuo ng household sector, 39.5% ang commercial, habang 5.4% lamang mula sa NFA.