LAOAG CITY – Palaisipan pa rin hanggang ngayon sa caretaker ng isang Black Nazarene na pagmamay-ari ng pamilya Jacinto sa Barangay 2 sa lungsod ng Laoag ang pag-agos umano ng dugo mula sa ulo nito.

Ayon kay Mrs. Mercedita Jose, ang caretaker ng Black Nazarene, matagal na niyang nililinis ang imahe ni Nazareno at wala siyang nakikitang mantsa sa kanyang mukha.

Subalit laking gulat ni Jose nanng makita na may umaagos na dugo mula sa ulo ng Nazarene.

Dahil dito, agad siyang nagdasal habang umiiyak dahil itinuturing niyang milagro ang nangyari.

Agad ding ipinaalam ni Jose ang nangyari kay Mrs. Minda Jacinto na kasalukuyang nasa Australia.