Sa kabila ng mga reklamo at hinaing ng mga deboto, matagumpay na naihatid ng pulisya ang andas ng Poong Itim na Nazareno sa Ayala Bridge sa Maynila.

Kabilang ito sa dinaanan ng bagong ruta ng Traslacion matapos irekomenda ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Una na sinabi ng DPWH na hindi ligtas daananan ng buhos ng mga tao ang Jones Bridge.

Alas-4:16 ng umaga nang tumulak ang andas mula Quirino Grandstand.

Pasado alas-8:00 ng umaga naman nang dumating ito sa Ayala Bridge kung saan ipinasa ng mga pulis sa hijos ng Nazareno ang pagmamando sa andas.

-- Advertisement --

Lumiko ito sa Palanca street na siyang hudyat ng pagtahak ng Traslacion sa maliliit na kalye malapt sa Minor Basilica of the Black Nazarene.

Pagpasok sa huling ruta ng Traslacion sa Villalobos Street muling mamanduhin ng pulisya ang andas para maipasok sa Quiapo Church.