-- Advertisements --

Nilinaw ng Manila Public Information Office na hindi nabali ang isang bahagi ng krus ng Imahen ng Poong Itim na Nazareno.

Bunsod ito ng lumabas na unang ulat na nabali ang pataas na bahagi ng krus habang lumiliko ang andas papasok ng kalye ng Hidalgo.

Makikita sa larawan na unang pinost ng Manila PIO ang tila nabali na bahagi ng krus, pero agad din na kinumpirma ng tanggapan na detachable at bendable ang nasabing bahagi ng Imahen.

Ayon sa Manila PIO, hindi agad nalaman ng photographer na nagpadala sa kanila ng larawan ang konteksto kung bakit bali ang nasabing krus.

Nangako naman ang tanggapan na susuriin na ang mga susunod na report na kanilang matatanggap mula sa mga personnel na tumututok sa Traslacion bago muling maglabas ng post sa social media.