-- Advertisements --

ILOILO CITY – Kinilalang “Nurse of the Year” sa Oxfordshire, United Kingdom ang Ilonggo nurse na si Jose Ariel Lañada dahil sa kanyang outstanding work sa gitna ng COVID-19 pandemic bilang nurse sa Oxford University Hospitals (OUH) NHS Foundation Trust.

Si Lañada ay tubong Dueñas, Iloilo at anak ng isang magsasaka.

UK jose ariel lanada

Dahil sa kahirapan, nagsikap si Lañada na makapag-aral at nagtapos na valedictorian sa high school at naging scholar.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Lañada, sinabi nito na ang kanyang napanalunan mula sa National Black Asian and Minority Ethnic (BAME) Health & Care Awards ay isang malaking karangalan.

Ayon kay Lañada,maliban sa kanyang papel sa Practice Development and Education, siya rin ang tumatayong presidente ng Filipino Nurses Association UK, chairman ng Filipino Community of Oxfordshire (FilCom Oxford), at Associate Lecturer sa Oxford Brookes University.

Sa gitna ng pandemya, si Lanada ay nag organisa ng mga hot meals para sa kapwa NHS workers sa ospital.

Siya rin ang nag-alaga sa 46 Filipino NHS workers na nagpositibo sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagbili at pagbigay ng groceries habang naka-quarantine ang mga ito.