-- Advertisements --

Nilinaw ni Iloilo City Rep. Julienne Baronda na walang nag-impluwensya sa kanya para tutulan ang isinusulong na franchise ng Panay Electric Co. (PECO) sa Kamara.

Sentimiyento lamang aniya ng mga taga-Iloilo ang kanyang pinagbatayan sa pagkatig sa pagbasura sa prangkisa ng PECO.

Pinag-aralan daw niya ng husto ang mga sumbong na nakarating sa kanyang tanggapan laban sa PECO tulad na lamang ng masamang serbisyo at over-billing.

Hanggang sa ngayon ayon kay Baronda, hindi pa rin naayos ng PECO ang serbisyo nito sa kanilang mga consumers.

Ito ay kahit pa binigyan ng Energy Regulatory Commission ang PECO ng Certificate of Public Convenience and Necessity para sa pansamantalang operasyon sa loob ng dalawang taon matapos mapaso ang kanilang prangkisa.