-- Advertisements --

Hindi pabor si Iloilo 1st district Representative at Deputy Majority Leader Janette Garin sa mungkahi ng Department of Education na magkaroon ng Saturday classes ang mga estudyante bilang bahagi ng adjustment period sa pagbabalik ng dating school calendar 2024-2025.

Ayon kay Garin, ang mungkahi ng DepEd ay magiging dagdag gastusin lamang sa mga guro at magulang, gayundin ay makakaabala sa pagkakaroon ng oras sa pamilya, maging ito man ay alternative learning o online class.

Iminungkahi naman ni Garin na sa halip na Saturday classes, mas mabuting bawasan na lamang ang mga pagdiriwang ng local holidays at festivals sa mga lalawigan at lungsod.

Sa panig naman ni Bataan Representative Geraldine Roman na ang araw na walang pasok ay nakakatulong din para sa mental health ng guro at mga estudyante nang walang iniisip na may kaugnayan sa pag-aaral.