-- Advertisements --

ILOILO CITY – Kokonsulta ang Iloilo provincial government sa National Electrification Administration (NEA) at ilang electric cooperatives sa lalawigan kaugnay sa isyu ng power shortage.

Ito’y matapos nagbabala ang pangulo na tatanggalin ang power cooperatives kapag hindi masolusyunan ang problema sa nangyayaring power interruption.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilko kay Iloilo Governor Arthur Defensor Jr., sinabi nito na hihingan niya ng paliwanag ang electric cooperatives sa nararanasang problema sa kanilang serbisyo.

Naniniwala naman ang gobernador na malaki ang magiging epekto sa ekonomiya kapag magpapatuloy ang problema sa suplay ng kuryente kung saan milyong mga residente ang maaapektuhan.