-- Advertisements --

Nasa “survival mode” na sa ngayon ang mga pribadong ospital sa lungsod at lalawigan ng Iloilo dahil sa unpaid claims ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Elmer Pedregosa, hospital administrator ng Iloilo Mission Hospital at presidente ng Private Hospital Association of the Philippines – Western Visayas Chapter, sinabi nito na nagpadala na sila ng letter of appeal sa PhilHealth at Department of Health (DOH).

Ayon kay Pedregosa, kailangang makapagbigay ng ”immediate response” ang PhilHealth dahil halos wala na silang pambili ng mga gamot at COVID-19 supplies.

Napag-alaman na hanggang noong August 31, 2021, nasa P545 Million ang utang ng PhilHealth sa pitong mga pribadong mga ospital sa Iloilo.

Dagdag pa nito, kapag bigo pa rina ang PhilHealth na solusyunanang problema, posibleng hindi na sila magpapa-miyembro sa ahensya at maniningil na sa mga pasyente pagdating ng buwan ng Nobyembre.