-- Advertisements --

ILOILO CITY – Isinailalim na sa state of calamity ang lungsod ng Iloilo matapos ang pananalasa ng bagyong Odette.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na base sa data, kwalipikado ang Iloilo City na ilagay sa state of calamity at sa pamamagitan nito ay mas mapapadali ang pagpapadala ng tulong sa mga biktima ng bagyo.

Nabatid na P42 million ang kabuuang pondo na ipamimigay ng Iloilo City government sa mga residente ng lungsod.

Makakatanggap naman ng P10,000 ang mga residente na mayroong totally damaged na bahay at P4,000 para sa mga partially damaged.

Sa ngayon, umabot na sa 138 ang bilang ng apektadong barangay sa lungsod kung saan 405 ang totally damaged na bahay at 8,738 ang partially damaged.