-- Advertisements --
ILOILO CITY – Magbibigay ang Iloilo City Government ng P3 million assistance sa West Visayas State University-Medical Center (WVSU-MC) Genome Laboratory.
Ang pagpapatayo ng genome laboratory sa nasabing ospital ay may layunin na mapabilis ang pagkilala sa iba’t ibang variants ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na ang nasabing pondo ang gagamitin para sa pagbili ng test kits.
Ayon kay Treñas, nakahanda na rin ang mga tablet ng WVSU-MC na gagamitin ng genome sequencer.
Una ng nanawagan ang mga local officials ng Western Visayas sa national government na magtayo ng genomic sequencing unit sa rehiyon.