-- Advertisements --

ILOILO CITY – Papatawan ng sanction na community service sina Iloilo City Lone District Representative Julienne “Jamjam” Baronda at Bureau of Fire Protection (BFP-6) regional director Fire Sr Supt. Jerry Candido at iba pa matapos lumabag sa health protocol sa Iloilo City.

Matandaang nagsagawa ng inauguration ceremony ang BFP-6 kung saan nando’n ang presensya ni Rep. Baronda.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Trenas, sinabi nito na naging resulta sa mass gathering ang isinagawang event ng mga opisyal at community service ang naging rekomendasyon ng Iloilo City Legal Office.

Ani Trenas, posible na tutulong ang mga violators sa vaccination program o ‘di kaya’y maglilinis ang mga ito sa mga barangay.

Ang Iloilo City ay nasa ilalim pa rin ng modified enhanced community quarantine.