-- Advertisements --
Untitled 7

Tatanggap ang mga manggagawa ng Ilocos Region at Western Visayas Region ng umento sa sahod, kasunod ng bagong wage order na inilabas ng mga Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) sa dalawang nabanggit na rehiyon.

Ang mga inilabas na wage orders ay nakatakdang maging epektibo sa susunod na buwan.

Inaasahan namang aabot sa 287,683 minimum wage earners sa dalawang nabanggit na rehiyon ang makikinabang sa bagong pasahod.

Maliban pa ito sa 259,820 kasambahay na makikinabang mula rin sa dalawang nabanggit na rehiyon.

Sa bahagi ng Ilocos Region, tataas ng P30 hanggang P35 ang daily minimum wage. Sa pamamagitan ng bagong wage order, aabot na sa P435 ang pasahod sa mga non-agricultural establishments na may empleyadong hindi tataas ng 10 mangagawa. P402 naman para sa mga mangagawa ng agrikultura.

Habang sa mga kasambahay, madadagdagan ng P500 ang kanilang buwanang sahod at magiging P5,500 na ang kanilang matatanggap.

Sa Western Visayas naman, madadagdagan ng P30 na minimum wage ang lahat ng sektor.

Para sa mga non-agriculture establishments na may sampung empleyado o mas mababa, tatanggap ang mga ito ng arawang sahod na P480, habang P440 para sa mga mangaggawa ng mgaagricultural establsihments.

Habang ang mga kasambahay ay madadagdagan din ng P500 ang kanilang buwanang sahod. Nangangahulugan ito ng P5,500 na buwanang sahod ng mga household workers.

Maalalang bago sa dalawang nabanggit na rehiyon ay una na ring naglabas ng mga bagong wage order ang iba pang mga rehiyon na kinabibilangan ng National Capital Region (P40), Cagayan Valley (P15), Central Luzon (P40), Calabarzon (P50), Central Visayas (P33), and Soccsksargen (P22).

Sa kasalukuyann, ang mga rehiyon sa bansa na hindi pa naglalabas ng bagong wage order ay ang mga sumusunod:

Cordillera Administrative Region, Mimaropa, Bicol Region, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Caraga, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.