-- Advertisements --
Niyanig ng 4.1-magnitude na lindol ang Ilocos Norte, Huwebes ng gabi, Ago. 31, ayon yan sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Tumama ang lindol bandang alas-9:37 ng gabi, nagkaroon ito ng epicenter sa 3 kilometro (km) timog-silangan ng Sarrat.
Naganap ito sa lalim na 10 km sa ilalim ng epicenter.
Naramdaman ang pagyanig sa Intensity IV sa Sinait, Ilocos Sur at Pinili, Ilocos Norte; Intensity III sa Laoag City, Ilocos Norte; at Intensity II sa Bacarra, Batac City, Paoay, Pasuquin, at Currimao.
Gayunpaman, walang inaasahang pinsala o aftershocks sa naturang lindol.