-- Advertisements --

Nanawagan si Surigao del Sur Governor Alexander Pimentel sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Interior and Local Government (DILG) na imbestigahan ang illegal logging activities sa naturang bayan.

Ito ay kasunod na rin ng ikinasang raid ng pulisya at CENRO noong Agosto 20, 2021 sa isang riverside compound sa Purok-2 Brgy. Tapi, Cantilam.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang nasa 17,000 board feet ng kahoy na iligal na pinutol at may tinatayang P500,000 market value.

Sinabi ni Pimentel na ang mga nakumpiskang illegal lumbers ay pag-aari ni Barangay Tapi Chairman Noel Azarcon.

Ipinagtataka ng gobernador kung paano lumaganap ang illegal logging sa bayan lamang ng Cantilan gayong doon din matatagpuan ang tanggapan ng DENR-CENRO.

Patutsada ng gobernador na posibleng sangkot ang ilang public officials sa issue na ito.