-- Advertisements --

Nanindigan si Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III na magiging maayos ang implementasyon ng kaniyang direktiba na ‘paramihan ng mga naaresto’ bilang basehan ng performance ng mgapukis habang nasa serbisyo.

Ito ang kaniyang tiniyak sa isang panayam matapos ang launching ng Nationwide Medical Mission ng PNP Foundation Inc. ngayong araw na siyang ginanap sa Multipurpose Center sa loob ng Kampo.

Aniya, trabaho ng pulis ang manghuli at mangaresto ng mga kriminal na siyang nakakaapekto ng malala sa kapayapaan ng mga komunidad sa loob ng bansa.

Binigyang diin rin ng hepe na talagang kadalasan naman na dahilan kung bakit may mga mamamayang pilipino ang pumupunta at humihingi ng tulong sa pulis ay dahil mayroong kailangang hulihin o arestuhin dahil sila ay naagrabyado.

Dagdag pa ni Torre, bahagi ito ng mandato at trabaho ng mga pulis para sa pagpapanatili na rin ng kapayapaan sa loob ng mga komunidad.

Samantala, sagot naman ni Torre sa mga naaalarma na baka maabuso ang direktiba niyang ito, binigyang diin niya na ang kaniyang direktiba ay umaresto at ito ay nanganghuugang buhay dapat ang mga kriminal na aarestuhin ng mga pulis.

Aniya, kung sakali man na magreklamo ang mga inaresto na mali ang naging proseso ng pagkakahuli sa kanila ay may karapatan ngayon ang mga ito na kumuha ng abogado, at kung hindi man ay maaari silang lumapit sa Public Attorney’s Office para sa legal assistance na kakailanganin nila.

Sa pamamagitan aniya nito ay matitiyak na mapoprotektahan ang mga karapatang pantao ng mga taong huhulihin na nakaramdam na hindi naaayon sa batas ang naging pagaresto sa kanila.

Matatandaan naman na nauna na dito ay naalarma ang Commission on Human Rights (CHR) sa direktibang ito ng hepe dahil sa maaari umanong pagabuso sa proseso ng pag-aresto ng mga kapulisan.

Patuloy ring naninindigan ang tanggapan na hindi dapat batay sa bilang ng mga naaresto ang basehan ng magandang performance ng mga pulis kung hindi dapat ay nakabase kung sumusunod ba sa tamang proseso ang kanilang hanay.