-- Advertisements --

Ibinunyag ng Department of Education-7 na nahaharap ngayon ang Probinsya ng Cebu ng kakulangan ng mahigit 3,000 na mga silid-aralan ang Probinsya ng Cebu.

Inihayag ni DEPED-7 Regional Director Dr. Salustiano Jimenez, na ito ang may pinakamataas na kakulangan sa lahat ng school divisions sa Central Visayas.

Iniuugnay pa ni Jimenez ang naturang kakulangan sa matagal nang hindi nareresolba na mga isyu sa imprastraktura na nawasak na dulot ng nagdaang Bagyong Odette, at mga sira-sirang silid-aralan na hindi pa natutugunan.

Naantala din umano ng COVID-19 pandemic ang pagpopondo para sa pagtatayo ng silid-aralan.

Nakipag-ugnayan na rin siya kay Secretary Sonny Angara, na nakatuon sa mabilis na pagsubaybay sa mga solusyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng prayoridad sa mga luma at sira-sirang silid-aralan.

Bilang paghahanda naman, nagsagawa ang regional director ng mga pagbisita sa iba’t ibang division offices at nakipagpulong sa mga local government units (LGUs) at iba pang stakeholders.

Sa mga pagpupulong na ito, inilatag niya ang lawak ng problema sa imprastraktura at nanawagan sa mga organisasyong ito na magtulungan sa paghahanap ng mga agaran at pangmatagalang solusyon.

Samantala,nilinaw naman nito na habang tatanggap pa rin sila ng mga mag-aaral na mag-e-enroll sa unang araw ng klase, mariin niyang idini-discourage ito.