-- Advertisements --

Nangako ang kampo ni Iligan City Rep. Frederick Siao na tatalima sa utos ng Sandiganbayan kapag inaprubahan ang hiling nitong maka-biyahe patungong Europe ngayong Hunyo.

Ito ay sa kabila ng kasong graft na kanyang hinaharap sa 3rd Division.

Nakasaad sa travel motion ng kongresista ang detalye ng biyahe nito kasam ang pamilya mula June 18 hanggang Huly 9.

“Accused Cong. Siao has already made prior arrangements and commitments to travel to Slovenia, Croatia, Bosnia and Herzegovina, and Austria to attend to business matters and for leisure with his family,” ani Siao.

Kasamang isinumite ng mambabatas ang travel authority mula kay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

“Furthermore, there is no reason to fear that Cong. Siao will be a fugitive from justice and law considering that he has, in the past, faithfully complied with all the directives of this honorable court,”

Nag-ugat ang reklamo kay Siao matapos umanong magpasa ng resolusyon ang kanilang hanay ng mga konsehal na nagsasaad ng pagpayag ni dating Mayor Lawrence Cruz na pa-rentahan ang 20,000-square meter ng lupa sa Brgy. Tubbod.

Nabatid ng prosekusyon na hindi dumaan sa public bidding ang kontratang iginawad ng lokal na pamahalaan sa Salvatori Development Corporation kaya naglabas ang korte ng 90-day preventive suspension laban kay Siao.