-- Advertisements --

Sisimulan na raw imbestigahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang di-umano’y iligal na inoculation programs kung saan ginagamit ang hindi pa otorisadong bakuna mula China.

Una nang naglunsad ng operasyon ang FDA sa Binondo noong nakaraang linggo kasama ang Manila Police District at nakipagpulong kay Mayor Isko Moreno dahil sa mga ulat na may nagaganap daw na illegal vaccinations.

Ayon kay FDA director general Eric Domingo, sinamahan ang ilang ahente ng FDA para mag-imbestiga pero wala naman daw silang nahuli na nagbabakuna.

Wala rin daw silang nakitang supplies ng mga bakuna.

Pagtitiyak pa ni Domingo na nag-iimbestiga ang regulatory enforcement unit ng ahensya sa mga natatanggap nitong lead at reports mula sa social media.

Magugunita na noong Sabado ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na karamihan sa mga Pilipino ang nabakunahan na ng bakuna mula Sinopharm.