Nabisto ng mga awtoridad ang ilegal na pagbebenta ng pesticide at fertilizer products ng isang kumpanya.
Ang naturang mga produkto na hindi rehistrado ay nabisto matapos ang isinagawang operasyon ng Department of Agriculture-Fertilizer and Pesticide Authority at PNP Criminal Investigation and Detection Group.
Sa isang pahayag ay sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na nakatanggap sila ng reklamo mula sa Fertilizer and Pesticide Authority dahil sa ilegal umanong distribusyon ng agricultural inputs ng WLEX Company.
Nadiskubre ang nasabing produkto sa isang commercial establishment kung saan ginagamit para sa ilegal na operasyon.
Nabatid na ang WLEX Company ay walang lisensya para humawak at mag distribute ng mga pesticide products .
Kaugnay nito ay tiniyak ng ahensya na magpapatuloy ang ganitong uri ng kanilang operasyon upang mapigilan ang mga indibidwal o grupo na nanamantala .
Papapatawan naman ng kaulang kaso ang may-ari ng WLEX Company.