-- Advertisements --

Ikinalungkot ng ilang world leaders ang naging desisyon ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe na magbitiw sa kaniyang pwesto dahil sa kaniyang iniindang sakit.

Lubos na nagpapasalamat si dating US Vice President at Democratic presidential candidate Joe Biden sa nabuong pagkakaibigan sa pagitan nila ni Abe.

Ikinagulat daw ni Biden ang anunsyo ng Japanese prime minister kahapon ngunit naniniwala ito na ang nabuong matatag na samahan sa pagitan ng Estados Unidos at Japan ay magpapatuloy sa loob ng mahabang panahon.

Pinalakpakan naman ni French President Emmanuel Macron ang ginawang hakbang ni Abe upang i-modernize ang ekonomiya ng kaniyang pinamumunuan. Nagbigay umano ito ng mahalagang papel sa mga kababaihan na pinaniniwalaan namang sentro ng Abenomic policies.

Ikinagagalak din ng tagapagsalita mula Iran Foreign Ministry ang tulong ni Abe upang pagbutihin ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa loob ng 41 taon na pamumuno ni Abe sa Japan ay una itong bumisita sa Iran noong Hunyo 2019 kung saan nakipagkita ito kay Iran’s Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei.

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng impormasyon ang Japanese government kung sino ang maaaring pumalit sa iniwang posisyon ni Abe.