Nagpapatuloy pa sa ngayon ang imbestigasyon ng Mabinay Negros Oriental Fire station kung ano ang sanhi ng sunog na tumama sa Dahili Elementary school na tumama nitong Lunes ng umaga, Nobyembre 6.
Sa eksklusibong panayam ng Star Fm Cebu kay Fire Officer 2 Emmanuel Mission, sinabi nitong kabilang sa natupok ng apoy ay ang isang kusina at tatlong-silid aralan – dalawa sa mga ito ay Grade 1 at isang Grade 2.
Sinabi pa ni Mission na natanggap nila ang alarma dakong alas 10:35 ng umaga at pasado alas 11:30 na ng umaga.
Dagdag pa nito na batay sa nakasaksi, nagmula pa umano ang sunog sa isang kusina na ginagamit tuwing feeding program.
Hindi pa umano agad namamalayan ng mga gurong nagsagawa ng klase ang sunog dahil nasa likod ng silid-aralan ang kusina.
Tinataya namang aabot sa mahigit P2 million pesos ang pinasala sa nasabing sunog at wala din naman umanong naitalang nasugatan sa nasabing insidente.
Sa ngayon, sinabi ni Mission na batay sa kanilang nakuhang impormasyon, wala pa umanong pinal na desisyon ang paaralan kung ano ang gagawin sa mga apektadong estudyante o kung kailan ang balik sa pasukan ng mga ito.